Pinarusahan ng Land Transportation Office (LTO) Central Visayas ang grupo ng motorcycle rider sa Cebu City dahil sa ginawang stunt sa Osmeña Blvd.

Kinilala ang mga rider na sina Jose Manuel Yu, Dennis Cabilan, Ryan Tan Yu, Aaron Dave Embrado at Roniel John delos Reyes, na nag-wheelie sa pampublikong kalsada.

Ang video ay binahagi ni LTO Region 7 director Victor Caindec sa Facebook kung saan makikitang nadisgrasya pa ang kasamahan ng mga rider dahil sa ginawang stunt.


Inutos ni Caindec na hanapin ang mga rider para masita, nitong Biyernes naman ay kusang pumunta sa opisina ng LTO ang mga rider para akuin ang kanilang pagkakamali.

Tinanggap ni Caindec ang paumanhin ng mga rider, ngunit pinarusahan pa rin ito dahil sa reckless driver nang isyuhan ng Temporary Operator’s Permit.

Sasalang din sa community service ang limang rider.

Paliwanag ng isa sa mga rider, ginawa lang nila ang stunt para sa photoshoot ng kanilang motorcycle club, at sinabing yoon ang unang beses na nagpakitang-gilas sila sa public road.

The post 5 rider na nag-stunt sa kalsada sinampolan ng LTO first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-rider-na-nag-stunt-sa-kalsada-sinampolan-ng-lto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5-rider-na-nag-stunt-sa-kalsada-sinampolan-ng-lto)