Dumating sa bansa ang dagdag na 50,000 dose ng Sputnik V mula Gamaleya Research Institute ng Russia.

Nitong Linggo ng umaga ay lumapag na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga bakuna sakay ng Qatar Airways Flight QR928.

Dadalhin ang mga ito sa PharmaServ Warehouse sa Marikina City para doon itabi.

Ipamamahagi ang Sputnik V vaccine sa mga ituturing na lugar na ‘center of gravity’ o iyong mga nakakaranas ng pagsirit ng COVID-19 case.

Sa kabuuan, aabot na sa 80,000 dose ng Sputnik V bakuna ang nakarating sa Pilipinas.

The post 50K Sputnik V lumapag sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/50k-sputnik-v-lumapag-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=50k-sputnik-v-lumapag-sa-pinas)