Higit 5 milyong dose ng COVID-19 vaccine ang nagamit na sa Pilipinas.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., nasa 5,120,023 indibiduwal na ang bakunado sa bansa.

Sa nasabing bilang, 1,189,353 naman ang kumpleto na ang bakuna o nakadalawang dose na.

Binati ni Galvez ang mga alkalde sa Metro Manila at iba pang lugar sa pag-abot ng five million mark sa bakuna.

Target ng gobyerno na makapagbakuna ng 500,000 kada araw para makamit ang herd immunity bago matapos ang 2021.

“Pagka meron tayong steady supply, kaya nilang makuha mga target nila. Kaya ako, I’m very confident na makukuha natin ang containment by August or September, mako-contain na natin,” saad ni Galvez sa panayam ng TeleRadyo.

The post 5M COVID bakuna naturok na sa PH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5m-covid-bakuna-naturok-na-sa-ph/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5m-covid-bakuna-naturok-na-sa-ph)