Hindi tatanggap ng dagdag na sahod ang walong tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ang nilinaw ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. matapos kuwestiyunin ng ilang sektor ang pagtalaga ng ng walong spokesperson ng Task Force.

Sinabi ni Esperon na tanging regular na sahod lamang ang tatanggapin ng walong spokesperson mula sa kanilang mother agency.

“I don’t see any reason why some sectors should fear what is not there. Contrary to their baseless speculations, our designated spokespersons are not offered any monetary reward for this extra work. It is basically gratis et amore for them,” ani Esperon.

Sinabi ng kalihim na mayroon ding local spokespersons ang NTF-ELCAC sa regional level, at wala ring tinatanggap na extra pay sa kanilang dagdag na trabaho.

Nais lamang aniyang makatulong ang mga ito para matuldukan na ang walang kabuluhang armed conflict ng kilusang komunista.

Kabilang sa mga kinukuwestiyon matapos italagang tagapagsalita ng NTF-ELCAC ay sina Undersecretary Lorraine Badoy, Lt. Gen. Antonio Parlade, Undersecretary Joel Sy Egco, Undersecretary Jonathan Malaya,Undersecretary Severo Catura, Assistant Secretary Celine Pialago, Atty. Marlon Bosantog at Gaye Florendo.(Aileen Taliping)

The post 8 spokesperson ng NTF-ELCAC walang dagdag sahod first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/8-spokesperson-ng-ntf-elcac-walang-dagdag-sahod/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=8-spokesperson-ng-ntf-elcac-walang-dagdag-sahod)