Tumiba ang mga nag-invest sa mga bakuna laban sa COVID-19.

Nanguna sa listahan ng mga bagong bilyonaryo sina Moderna CEO Stéphane Bancel at BioNTech CEO Ugur Sahin, na kapwa may yaman nang $4 bilyon (o mahigit P191 bilyon).

Matatandaang ang BioNTech ang ka-partner ng Pfizer sa paggawa ng bakuna.

Ayon ito sa analysis ng People’s Vaccine Alliance (PVA) gamit ang datos mula sa Forbes Rich List.

Naging bilyonaryo rin ang ilang senior executive ng CanSino Biologics (China) at ilang namuhunan sa Moderna.

Kapag pinagsama-sama, kabuuang $19.3 bilyon (nasa P910 bilyon) ang yaman ng siyam na bagong bilyonaryo, sapat upang ma-fully vaccinate ang nasa 780 milyong katao mula sa mga mahihirap na bansa, ayon sa PVA.

The post 9 namuhunan sa COVID bakuna, naging instant bilyonaryo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/9-namuhunan-sa-covid-bakuna-naging-instant-bilyonaryo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=9-namuhunan-sa-covid-bakuna-naging-instant-bilyonaryo)