Inanunsyo ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes na 91% ng nakalaang pondo para sa ayuda ang kanilang napamahagi sa mga mamamayan ng NCR Plus.

Ang datos ay hanggang Mayo 15 lamang – ang deadline na ibinigay ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda.

Ikinatuwa naman ni DILG secretary Eduardo Año ang kalakihan ng porsyento ng pondo na kanilang naibahagi sa mga nangangailangan.

“The 91 percent or P21.06 billion ayuda distributed to qualified beneficiaries is a victory for the LGUs and the national government,” saad ni Año.

Sa kalahatan, 37 na mga local government unit (LGU) ang naipamigay lahat – o 100% – ng ayudang nakalaan para sa kanilang lugar.

Sa mga LGU na nakumpleto ang pamimigay ng ayuda, 17 rito ay galing sa Laguna.

Ayon pa kay Año ang siyam na porsyento na natira mula sa pondo ay ang mga ayuda na hindi nakuha ng mga nararapat na benepisaryo.

The post 91% ng pondo para sa ayuda, naipamahagi – DILG first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/91-ng-pondo-para-sa-ayuda-naipamahagi-dilg/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=91-ng-pondo-para-sa-ayuda-naipamahagi-dilg)