Nadagdagan ng 9,226 ang kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Sabado, May 1.

Ayon sa tala ng Department of Health (DOH), naitala sa 72,248 ang aktibong kaso ng COVID-19 mula sa kabuuang bilang na 1,046,653.

Sa mga active case, 94.9% ang mild ang sintomas, 1.7% ang asymptomatic, 1.1% ang kritikal, 1.4% ang severe, habang 0.90% ang moderate case.

Akyat naman sa 957,051 ang total na COVID-19 survivor sa 10,809 bagong gumaling sa new coronavirus.

Habang 17,354 ang death toll, 120 ang dagdag sa namatay.

The post 9,226 bagong COVID positive sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/9226-bagong-covid-positive-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=9226-bagong-covid-positive-sa-pinas)