Dumepensa ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Andre Brouillette matapos itong ma-link kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Ayon kay Andre, nagkataon lang na parehas sila ng agency kaya sila nagkakasama ni Rabiya.

Nilinaw din niya na ‘great friends’ lang sila ng beauty queen.

“Rabiya is Miss Universe Philippines 2020. And we have the same agency, the same team that’s managing her. I was able to meet her as I came to Miami to do hosting for Miss Universe updates,” ayon kay Andre sa ‘Inside News’ ng Star Magic.

Sa na-post naman niyang photo kasama si Rabiya, sinabi niya na sinundo lamang niya sa airport si Miss U PH at kumain lang sila.

“Great photo to upload, right? For the memories? But again, I can’t control the things that people say and also, not everything people say is always true,” dagdag ni Andre.

The post Andre nagsalita na sa relasyon kay Rabiya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/andre-nagsalita-na-sa-relasyon-kay-rabiya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=andre-nagsalita-na-sa-relasyon-kay-rabiya)