Nanawagan si Senador Sonny Angara sa Food and Drug Administration (FDA) na pag-aralan na ang pagbakuna sa mga kabataang may edad 18 pababa laban sa coronavirus disease.

Inihalimbawa ng senador ang desisyon ng FDA counterpart ng Pilipinas sa United States at Singapore kung saan pinapayagan na ng administrasyon sa COVID-19 vaccine sa 12 hanggang 15 anyos.

“This is a signal for us to commence our own independent studies on the matter,” sabi ni Angara.

Ayon pa dito, ang pagpayag na gamitin ang ilang bakuna sa age group ang pinakamainam na gawin sa ngayon.

“Yung nasa basic education natin, mga 28 million sila. ‘Yung nasa tertiary, mga 3.4 million. If combined, their total population would put them in the Top 50 countries. Bigger than Australia’s 25 million,” punto ni Angara.

Sabi pa nito, ang pagbakuna sa mga school-age na mga bata ay magproprotekta sa pinakamalaking population group mula sa COVID-19.

“Outsmarting the virus requires the vaccination of students. There will be no return to normalcy, no herd immunity if they are not vaccinated,” ani Angara, kasabay ng pagsabing magsisilbi rin itong ‘game-changer’ para sa bansa gayundin sa ekonomiya.

“If they are last to be vaccinated, then we are creating a lost generation from the left behinds,” ani Angara.

“Kung nabakunahan na ang mga bata, puwede na rin silang bumalik sa face-to-face classes. Makikinabang din ang ekonomiya sa muling pagbubukas ng klase dahil kasabay nito ang pagbabalik ng aktibidad sa sektor ng transportasyon, food services at garment industry.”

Sabi pa ni Angara, chair ng Senate finance committee, mas mura ang halaga ng bakuna kumpara sa gastusin sa module at internet service para sa distance learning.

The post Angara sa FDA: Bakuna sa kabataan dapat pag-aralan na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/angara-sa-fda-bakuna-sa-kabataan-dapat-pag-aralan-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=angara-sa-fda-bakuna-sa-kabataan-dapat-pag-aralan-na)