Sumakabilang-buhay ang kongresista ng 2nd District ng Antipolo na si Resurreccion Acop.

Kinumpirma ito sa Facebook post ng lokal na pamahalaan ng Antipolo nitong Biyernes.

“Paalam at maraming salamat po, Antipolo City 2nd District Congresswoman Resurreccion “Dra. Cion” Marrero Acop,” saad ng Antipolo City government.

“Taos pusong pakikiramay at panalangin sa mga naiwang pamilya at mga kababayan sa ikalawang distrito ng lungsod.”

Bukod sa pagiging kongresista, kilala rin si Acop bilang matulunging doktor para sa mga residente ng Antipolo.

Si Acop ay vice-chairperson para sa committee on health ng Kamara.

“She will be remembered for her kindness, passion and commitment to selflessly serve the people of the 2nd district of Antipolo City,” pahayag ng House of Representatives.

The post Antipolo Cong. Acop pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/antipolo-cong-acop-pumanaw-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=antipolo-cong-acop-pumanaw-na)