Handang makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dating pangulong sina Joseph “Erap” Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Sa ulat, sinabi ni dating senador Jinggoy Estrada na “very eager” na dumalo si Erap.

Isang miyembro naman ng staff ni Arroyo ang nagsabing tinanggap ng huli ang imbitasyon.

Kasunod ito ng inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na kinokonsidera ng Pangulo na ikonsulta sa mga dating presidente ang mainit na usapin sa WPS.

The post Arroyo, Erap sisipot sa WPS meeting first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/arroyo-erap-sisipot-sa-wps-meeting/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=arroyo-erap-sisipot-sa-wps-meeting)