Pinag-aaralan ng mga scientist ang posibilidad na magamit ang mga aso panlaban sa COVID-19.

Sa pagtutulungan ng London School of Hygiene & Tropical Medicine, Durham University at Medical Detection Dogs, nakumpleto na ang Phase 1 trial kung saan ilang aso ang sinusuri para sa pag-amoy ng new coronavirus.

Anim na aso ang ginamit sa eksperimento, kasama dito ang mga breed ng Labrador, Cocker Spaniel at Golden Retriever ay ayon mga researcher, sa anim hanggang walong linggo na training ay marunong na ang mga ito na maka-detect ng COVID-19.

Sa unang phase ng trial, nakakita ng 82% hanggang 94% na sensitivity rate ang mga asa sa pag-detect ng COVID-19.

Ayon kay James Logan, project lead, mabilis ang pag-detect gamit ang mga aso, at kahit asymptomatic ay naaamoy umano ng naturang hayop.

Klinaro naman ng mga scientist na PCR test pa rin ang gold standard sa pag-detect ng COVID-19, ngunit puwede umanong magamit ang mga aso sa mga lugar na maraming tao.

“The other thing about dogs is that they would serve as a visual deterrent, so if people knew that dogs were going to be screening at the airport, it’s very likely that people would think twice about traveling if they were infected,” saad ni Logan.

aspca.org

The post Aso posibleng pang-detect ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aso-posibleng-pang-detect-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=aso-posibleng-pang-detect-ng-covid)