Inanunsyo ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino nitong Martes na nakatakdang bakunahan kontra COVID ang mga atletang sasabak sa Southeast Asian Games at Tokyo Olympics.

Sa pahayag ni Tolentino, kasalukuyan ng inaalam ang mga atleta, maging mga coach na babakunahan simula sa Biyernes sa Manila Prince Hotel.

“Pasalamat po tayo at napagbigyan tayo ng IATF,” saad ni Tolentino, kaugnay ng pagsama sa mga atleta sa mga prayoridad mabakunahan.

Dahil na rin ito sa pinaiiral na ‘no vaccine, no participation police’ ng dalawang nabanggit na sporting events.

Mauunang idaos ang Olympics sa Hulyo habang sa dulo naman ng kasalukuyang taon gaganapin ang Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

The post Atletang sasabak sa Tokyo, Hanoi babakunahan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/atletang-sasabak-sa-tokyo-hanoi-babakunahan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=atletang-sasabak-sa-tokyo-hanoi-babakunahan)