Pilay ang roster ng Philippine Azkals sa muli nilang pagsabak sa World Cup/Asian Cup Qualifiers na gaganapin sa China sa Hunyo.

Isa sa mga ‘di makakasama sa koponan para sa naturang kompetisyon ay ang kanilang starting goalkeeper na si Neil Etheridge.

Bagamat tapos na ang kampanya ni Etheridge sa English team na Birmingham City ay sasailalim naman siya sa isang surgery.

Isa ring mawawala ang midfielder na si Patrick Strauss, na nagtamo ng injury. Si Raphael Obermair naman ay nagsabi na hindi sasama sa koponan habang may kailangang asikasuhin sa pamilya si Niko de Vera.

Visa naman ang problema ng beteranong si Carli de Murga habag wala pang Philippine passports sina Gerrit Holtmann, Lloyd Fagerlie at Jesper Nyholm.

Sa kanilang pagkawala ay kukunin ng Azkals ang serbisyo nina Mike Ott, Kenshiro Daniels, Quincy Kammeraad, at Justin Baas.

The post Azkals, magkukulang sa bangis first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/azkals-magkukulang-sa-bangis/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=azkals-magkukulang-sa-bangis)