Sa Lunes, Mayo 31 iaanunsyo ang bagong quarantine classification para sa buwan ng Hunyo, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Sa panayam sa radyo nitong Sabado, sinabi ni Nograles na mayroon nang rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para sa susunod na quarantine classification.

“Binigyan na po natin ng pagkakataong mag-appeal ang ating iba’t ibang governors or local chief executives doon sa ating recommended na bagong community quarantine classifications,” aniya.

“After that, ibibigay natin kay Pangulo ang final recommendation. Ia-announce natin sa Monday kung ano ‘yung magiging community quarantine classification for the month of June,” dagdag niya.

The post Bagong quarantine status sa June, sasabihin sa May 31 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagong-quarantine-status-sa-june-sasabihin-sa-may-31/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagong-quarantine-status-sa-june-sasabihin-sa-may-31)