Hindi pa masisilayan si Chris Banchero sa ensayo ng Phoenix Fuel Masters.

Ito’y dahil nasa Amerika pa ang Fil-Italian guard para doon na magpabakuna, ayon kay Phoenix coach Topex Robinson.

Ayon kay Robinson, hindi pa nila alam kung anong magiging sitwasyon sa PBA practices nang umalis si Banchero patungong USA.

Nagsimula na ang Phoenix sa pag-eensayo sa Batangas ngayong linggo.

Hindi naman nababahala si Robinson dahil dumadalo pa rin sa Zoom session si Banchero at patuloy pa rin ang pagpapakondisyon kahit hindi nakakasama sa mga practice.

The post Banchero bumiyaheng US para magpabakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/banchero-bumiyaheng-us-para-magpabakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=banchero-bumiyaheng-us-para-magpabakuna)