Binanatan ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang mga pumupuna sa administrasyong Duterte dahil sa pagiging malambot sa China subalit hindi naman umano sinusuportahan ang panukalang buhayin ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) program.

Sa pagdinig ng Commission on Appointments, sinabi ni Dela Rosa na madalas manawagan ang mga kritiko ng giyera sa China subalit sila man ay kontra sa military education at training ng mga estudyante.

“Marami tayong mga kababayan ngayon—matatanda man or bata—na gustong gustong makipag-giyera talaga sa China. Gustong gusto nila. They’re blaming the government for a ‘very weak stance’ against China kuno at gustong gusto nilang makipag-giyera pero ayaw naman nilang mag-ROTC,” sabi ni Dela Rosa.

Nabuhay ang isyu ng mandatory ROTC program nang tanungin ni Dela Rosa ang isang opisyal ng militar na nakasalang sa CA, patungkol sa kanyang posisyon sa pagbuhay ng mandatory traning para sa mga estudyante.

“Do you think talagang nararapat na na ibalik natin yung ROTC para whatever happens in the future magka-giyera man tayo o hindi, kailangang ready tayo as a nation, hindi lang as a military,” tanong ni Dela Rosa kay Commodore Antonio Palces, deputy chief of staff for education, training and doctrines ng Armed Forces of the Philippines.

“Do you think kailangang kailangan na ba talaga, very urgent na ba talaga na ibalik natin ang ROTC sa ating mga eskwelahan?” dagdag pa nito.

Sagot naman ni Palces, naniniwala siyang nararapat lang maibalik ang mandatory ROTC sa mga eskwelahan.

“I strongly believe that the ROTC program should be revived in the schools… Even if ROTC is only held once a week, it instills discipline among the youth which is very needed for a strong country,” ayon kay Palces.

The post Bato sa mga kritiko ng gobyerno: Gusto giyerahin China pero ayaw buhayin ROTC! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bato-sa-mga-kritiko-ng-gobyerno-gusto-giyerahin-china-pero-ayaw-buhayin-rotc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bato-sa-mga-kritiko-ng-gobyerno-gusto-giyerahin-china-pero-ayaw-buhayin-rotc)