Dalawang linggo na kulong sa bahay ang mga residente ng Barangay Namruangan sa Cabugao, Ilocos Sur dahil sa pagkalat ng COVID-19 sa mga opisyal ng lugar.

Ayon sa Resolution No. 19 na nilagdaan ni Mayor Edgardo Cobangbang, ilalagay sa extreme enhanced community quarantine (ECQ) ang Brgy. Namruangan simula noong Sabado, May 29 hanggang June 11.

“Barricades shall be established in the identified critical zone to be manned by the barangay in coordination with the Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, and the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office,” saad ng alkalde.

Ipagbabawal din ang pagbebenta ng alak habang nakataas ang lockdown.

Mamamahagi naman ng relief goods ang social welfare office para sa mga residenteng naapektuhan ng extreme ECQ.

The post Bayan sa Ilocos Sur sinailalim sa extreme ECQ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bayan-sa-ilocos-sur-sinailalim-sa-extreme-ecq/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bayan-sa-ilocos-sur-sinailalim-sa-extreme-ecq)