Tiklo sa isang buy-bust operation nitong Linggo sa Batangas City ang isang hinihinalang tulak ng shabu at apat na drug user.

Huli sa aktong nagbebenta ng shabu ang suspek na si Ederlyn Libre, 22 anyos.

Halagang P500 na shabu ang binenta ni Libre dakong alas 6:20 p.m. ng gabi sa Barangay Pallocan West.

Ang hindi alam ng suspek, pulis na pala ang kanyang pinagbebentahan kaya’t dito na ikinasa ang pagaresto.

Sa lugar kung saan pinagbentahan ni Libre ang pulis ay doon din nahuli sina Richard Mandigma, 25; Jeffrey Bergonia, 40; Zoren Quitain, 21; at Francis Argem Gemelo, 27.

Namataan umano ang apat sa akto na gumagamit ng shabu.

Nakumpiska rin sa lugar ang ilan pang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

The post Bebot na tulak, arestado sa buy-bust first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bebot-na-tulak-arestado-sa-buy-bust/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bebot-na-tulak-arestado-sa-buy-bust)