Pinaiimbestigahan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang pekeng Facebook account na ginagamit ang kanyang pangalan para siraan siya at makapangalap ng tulong pinansyal.

Ang nasabing pekeng account ay may pangalang Silvestre H. Bello III na may mga larawan at detalye kung saan hindi aakalain na ito ay hindi ang personal na account ng kalihim.

Ngunit mapapansin din ang ilang nakapagtatakang post ng account na ito gaya ng “Pwede ba kayo mag donate sa community pantry ko,” “Send ko bank details,” at higit sa lahat, ang isang post na “Tatakbo kasi ako senador.”

Mariing itinanggi ni Bello na sa kanya ang account na ito, at humingi na rin siya ng tulong sa NBI para sa imbestigasyon.

“It is lamentable that some people would resort to this despicable scheme to besmirch my name for their advantage. And it is doubly deplorable that they would use falsehood and deception to victimize others in this time of crisis,” pahayag ni Bello.

Ayon pa sa kalihim, isang official Facebook lamang ang kanyang ginagamit mula pa noong 2010.

The post Bello nagreklamo dahil sa fake FB account first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bello-nagreklamo-dahil-sa-fake-fb-account/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bello-nagreklamo-dahil-sa-fake-fb-account)