Naging mabagal man ang simula ng Brooklyn Nets, bumawi naman ang kanilang tatlong superstar para talunin ang Boston Celtics sa unang laro ng Eastern Conference first round.

Sa first half ay walang kumonektang three-pointer mula kina Kevin Durant, James Harden at Kyrie Irving.

Ngunit nang buksan ang second half ay biglang nagpakawala ng 18-4 scoring blitz ang Nets at tuluyang makuha ang momentum sa laban.

Sa third period, 28 ang pinagsamang iskor ng ‘Big Three’ ng Nets.

Nagtuloy-tuloy na ang magandang scoring ng Nets at nasungkit ang 104-93 win para makaabante sa serye. Nanguna si Durant tangan ang 32 points at 12 rebounds, habang may 29 markers naman si Irving.

Umagapay naman si James Harden na kumolekta ng 21 points, siyam na rebounds at walong assists.

Umiskor si Jayson Tatum ng 22 points para sa Celtics, ngunit naging maalat ang scoring na nakapasok lang ng anim sa 20 tira.

The post ‘Big Three’ ng Nets giniba Celtics first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/big-three-ng-nets-giniba-celtics/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=big-three-ng-nets-giniba-celtics)