Aminado si NBA star Donovan Mitchell na nabanas siya matapos na hindi paglaruin ng Utah Jazz sa Game 1 ng first round series kontra Memphis Grizzlies.

Sa nasabing laban, talo ang Utah 112-109, na isa pa sa nagpasabik kay Mitchell na bumalik na sa paglalaro buhat nang ma-injure noong Abril dahil sa ankle sprain.

“For me, for my team, I was definitely frustrated and upset that I wasn’t able to play,” saad ni Mitchell.

“I’m a competitor. I felt I was ready to go. I felt ready to go, and unfortunately, that wasn’t the case. That was not how it happened,” anya pa.

Sa Game 2 ay inaasahan nang maglaro si Mitchell matapos siyang payagan na ng medical staff ng Utah Jazz.

The post Binangko sa Game 1: Donovan Mitchell sumama loob first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/binangko-sa-game-1-donovan-mitchell-sumama-loob/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=binangko-sa-game-1-donovan-mitchell-sumama-loob)