Nasa isang buwan na isasara ang mga border ng General Santos City sa mga non-essential travel simula ngayong Sabado dahil sa pagsirit ng coronavirus.

Sa inilabas na Executive Order No. 21, sinabi ni Mayor Ronnel Rivera na lilimitahan sa mga essential purposes ang pagpasok mula sa loob at labas ng Region 12 (Soccsksargen).

Pero aniya, lahat ng aktibidad ng negosyo sa lungsod na pinayagan sa ilalim ng kanilang modified general community quarantine status ay magpapatuloy.

Sa ngayon ay umabot na sa 2,451 ang kumpirmadong COVID-19 case sa lugar, kabilang ang 90 death toll at 2,220 recoveries; 141 ang active case.

The post Border ng GenSan 1 buwan isasara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/border-ng-gensan-1-buwan-isasara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=border-ng-gensan-1-buwan-isasara)