Isa si Miami Heat head coach Erik Spoelstra sa mga tinitingalang head coach sa NBA.

At isa sa mga nagpatunay nito ay si dating NBA star Chris Bosh, na naging manlalaro noon ni Spoelstra kung saan nagwagi sila ng dalawang kampeonato.

Ayon kay Bosh, nakatulong kay Spo ang pagkakaroon ng dugong Pinoy para maging mahusay na tactician sa isang championship team.

“It was such a tough time being a coach, especially for a championship team. You can be in a position that you feel any decision that you make is wrong,” ayon kay Bosh.

“But you still have to have your goal, you still have to go after it and that’s him being a Filipino-American.”

Bilib din ang future Hall of Famer sa dedikasyon ni Spoelstra sa kanyang mga naging manlalaro at sa kagustuhang manalo.

The post Bosh: Spoelstra humusay mag-coach dahil dugong Pinoy first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bosh-spoelstra-humusay-mag-coach-dahil-dugong-pinoy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bosh-spoelstra-humusay-mag-coach-dahil-dugong-pinoy)