Big winner ang K-pop group na BTS sa 2021 Billboard Music Awards (BBMAs).

Sa ikalimang sunod na taon, wagi sa Top Social Artist award ang seven member group buhat pa noong 2017.

“Top Social Artist for five years in a row. Thank you ARMY and BBMAs for such an incredible title,” ayon kay J-Hope.

Tinalo ng BTS sa Top Social Artist ang iba pang bigating grupo tulad ng BLACKPINK, Seventeen, at ang P-pop group na SB19.

Nasungkit din ng BTS ang Top Duo/Group award, kung saan inungusan nila ang AC/DC, AJR, Dan + Shay at Maroon 5.

Pinataob din ng K-pop group sina Justin Bieber, Morgan Wallen, The Weeknd, at Megan Thee Stallion para sa Top Song Sales Artist.

Top Selling Song naman ang English track ng BTS na ‘Dynamite’.

The post BTS humakot sa 2021 Billboard Music Awards first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bts-humakot-sa-2021-billboard-music-awards/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bts-humakot-sa-2021-billboard-music-awards)