Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naghahati sa lalawigan ng Bulacan sa anim na distrito.

Sa ilalim ng Republic Act 11546, ang mga bayan ng Calumpit, Hagonoy, Paombong at Pulilan, Bulakan at Lungsod ng Malolos ay inilagay sa unang distrito.

Ikalawang distrito ang mga bayan ng Baliuag, Bustos at Plaridel; habang inilagay naman sa ikatlong distrito ang mga bayan ng San Ildefonso, San Miguel, San Rafael at Doña Remedios Trinidad.

Nasa ika-apat na distrito naman ang mga bayan ng Obando, Marilao at Meycauayan CIty; habang ang mga bayan ng Guiguinto, Balagtas, Pandinar Bocaue ay nasa ika-limang Distrito.

Ang mga bayan naman ng Sta. Maria, Norzagaray at Angat ang inilagay sa anim na distrito.

Ipagpapatuloy ng lahat ng incumbent na kongresista ng lalawigan ng Bulacan ang kanilang tungkulin hanggang sa matapos ang kanilang termino.

Magiging epektibo ang implementasyon ng mga bago distrito sa 2022 national at local elections at inatasan ang Commission on Elections na mag-isyu ng implementing rules and regulations.

Ang bagong batas ay pinirmahan ni Pangulong Duterte nitong Miyerkoles, May 26, 2021.

The post Bulacan hinati na sa 6 distrito first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulacan-hinati-na-sa-6-distrito/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bulacan-hinati-na-sa-6-distrito)