Patuloy sa pagbuga ng usok ang Bulkang Taal sa Batangas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado, sanhi ng tinatawag na steam plumes ang pag-angat ng mainit na volcanic fluids sa bunganga ng bulkan.

Lumikha ito ng usok na umabot sa 2,000 metro ang taas.

Wala mang na-detect na volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras, nagpapatuloy umano ang mababang antas ng background tremor simula Abril 8.

Mataas din ang pagbuga ng sulfur dioxide ng bulkan sa average na 3,248 tonelada kada araw.

Nananatili sa Alert Level 2 ang status ng bulkan.

The post Bulkang Taal patuloy sa pagbuga ng usok first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulkang-taal-patuloy-sa-pagbuga-ng-usok/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bulkang-taal-patuloy-sa-pagbuga-ng-usok)