Nakatakdang alisin sa serbisyo ang dalawang bumbero na rumesponde sa nangyaring helicopter crash na ikinasawi ni Kobe Bryant at anak nitong si Gianna.

Ito’y binunyag ng mga abogado ng biyuda ni Kobe na si Vanessa, na nag-ugat sa kasong invasion of privacy ng pamilya ng Lakers legend kontra sa Los Angeles County.

Nakasaad sa mga dokumento na pinadalhan ng ‘intention to discharge’ letter ang dalawang bumbero matapos ang imbestigasyon ng Los Angeles County Fire Department.

Ang mga bumbero ay napag-alamang kinuhanan ng larawan ang bangkay ni Kobe at ilan pang nasawi.

Samantala, suspensyon naman ang tinapat sa isa pang bumbero na nag-send ng mga larawan sa media.

Tumanggi namang kumpirmahin ng LA County Fire Department kung totoo ang mga impormasyon na inilabas ng mga abogado ni Vanessa.

The post Bumbero sa helicopter crash ni Kobe, sisibakin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bumbero-sa-helicopter-crash-ni-kobe-sisibakin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bumbero-sa-helicopter-crash-ni-kobe-sisibakin)