Sumuko ang isang champion boxer sa mga awtoridad matapos makita ang girlfriend nito na wala nang buhay sa isang lawa.

Nahaharap sa kasong kidnapping at carjacking resulting to death si Puerto Rican slugger Felix Verdejo dahil sa pagkamatay ng karelasyon nito na si Keishla Rodriguez.

Isa pang maikakaso sa dating Olympian ay ang pagkamatay ng isang hindi pa napanganganak na sanggol dahil buntis pala si Rodriguez.

Ayon sa report ng New York Times, posibleng maharap sa parusang death penalty ang 27-anyos na boksingero.

Batay sa reklamong hinain sa Federal Bureau of Investigation, sinuntok umano ni Rodriguez ang kanyang girlfriend, at tinurukan ng kemikal na hindi pa matukoy kung ano.

Umaga ng Huwebes ay hinulog umano si Rodriguez sa isang tulay, habang may nakataling malaking bloke sa kanyang kamay at paa.

Ayon pa sa reklamo, binaril daw ni Verdejo si Rodriguez matapos niya itong ihulog sa tulay.

Saad ng pulisya, hindi umano sumasagot sa kanilang mga tanong at boksingero pati ang mga abogado nito.

The post Buntis na dyowa, tinapon bangkay sa lawa: Boxer nahaharap sa death penalty first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/buntis-na-dyowa-tinapon-bangkay-sa-lawa-boxer-nahaharap-sa-death-penalty/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=buntis-na-dyowa-tinapon-bangkay-sa-lawa-boxer-nahaharap-sa-death-penalty)