May libreng sakay ang isang kompanya ng bus sa Leyte.

Sinimulan ng Visayas Liner ang free ride para sa mga rutang Tacloban-Ormoc at Tacloban-Naval (Biliran) na tulong nila sa mga pasahero ngayong pandemya.

Tatakbo ang kanilang programa hanggang June 30, 2021.

Makakatipid ng P225 kada biyahe ang mga pasaherong mula Tacloban patungong Ormoc habang P262 naman para sa mga papuntang Naval.

“We are joining the Land Transportation and Franchise Regulatory Board in Region 8 (Eastern Visayas) in the government’s drive to help the community in the midst of the pandemic. Starting this week, health workers, frontliners, and authorized persons outside residence can ride Visayas Liner for free on our routes,” pahayag ng kompanya.

The post Bus company may libreng sakay papuntang Ormoc, Biliran first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bus-company-may-libreng-sakay-papuntang-ormoc-biliran/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bus-company-may-libreng-sakay-papuntang-ormoc-biliran)