Hinihinalang nalunod ang isang buwaya na natagpuang patay sa Puerto Princesa, Palawan.

Ayon sa Facebook post ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), narekober ng staff nila ang patay na saltwater crocodile na may habang 10.4 talampakan sa Barangay Poblacion V, Balabac noong Mayo 25.

Isang mangingisda ang nakadiskubre sa buwaya habang nakabuhol sa lambat sa isang abandonadong Chinese fishing vessel.

Pinagtulungan ng PCSD staff, Department of Environment and Natural Resources, Municipal Environment and Natural Resources, Philippine Navy at ilang mangingisda na mailibing ang buwaya sa hindi tinukoy na lugar sa Balabac, Palawan bandang alas-10 ng umaga.

Sinasabing kabilang ang saltwater crocodile sa listahan ng mga “critically endangered species” sa ilalim ng PCSD Resolution No. 15-521.

The post Buwaya nalunod sa Palawan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/buwaya-nalunod-sa-palawan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=buwaya-nalunod-sa-palawan)