Umabot sa P21B ang remittance sa dibidendo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa apat na taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mahahati ang kabuuan ng remittance sa P5.4B noong 2017, P6.2B noong 2018, P3.5B noong 2019, at P6B naman noong 2019.

Ito ang pinakamataas na halagang na-remit ng CAAP sa nakalipas na walong taon bago maluklok si Duterte sa puwesto.

Dahil dito’y napagtibay din ng CAAP ang kanilang pwesto sa ‘Billionaire’s Club’, na para sa mga government-owned and controlled corporations (GOCC) na aabot sa bilyon ang na-remit sa national government.

Ayon kay CAAP Director General Jim Sydiongco, malaki pa rin ang kanilang remittance para sa 2020 kahit pa nahirapan ang industriya ng aviation dahil sa COVID-19 pandemic.

“The Year 2020 has been a rough year for the aviation sector, to say the least. With nations closing borders, airlines facing bankruptcy, to employees getting laid off – we can say that the industry has been on life support. But that did not hinder us from performing our obligations,” ayon kay Sydiongco.

Pinuri naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang CAAP sa kanilang magandang performance para na rin makatulong sa paghanap ng resource upang labanan ang COVID-19 pandemic.

“Since 2016, CAAP demonstrated how excellent fiscal management should be done in the interest of the public. Now, whoever will take over the agency when we step down in 2022, I am sure that the achievements reached by CAAP, under the leadership of Director General Jim Sydiongco, will be the standard. CAAP has set the bar high,” sambit ni Tugade.

The post CAAP nag-remit ng P21B sa panahon ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/caap-nag-remit-ng-p21b-sa-panahon-ni-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=caap-nag-remit-ng-p21b-sa-panahon-ni-duterte)