Hindi pinabayaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang babaeng call center agent na nanakawan ng bike malapit sa EDSA.

Sa Facebook post ni MMDA traffic czar Bong Nebrija, binahagi niya ang nangyari kay Coleen, isang BPO employee na lumapit sa kanila para magtanong kung may CCTV sa Quezon Ave. at EDSA.

Naabutan kasi ni Coleen na wala na ang kanyang bike sa pinagparadahan niya noong lumabas siya sa opisina bandang ala-1 ng madaling-araw.

“I asked her if she already went to the Barangay to ask if they have CCTV and she said even the mall didn’t have one,” ayon kay Nebrija. “I already knew then that even if we had one it wouldn’t be that clear to know who took her bike.”

Kaya naman gumawa ng paraan si Nebrija at may tinawagan para mabigyan ng panibagong bike ang call center agent.

“This morning we turned over the Trinks Mountain Bike to Coleen together with a reflectorized vest she could use especially that she bikes home in the middle of the night,” saad ni Nebrija.

The post Call center agent nanakaw bike, binigyan ng bago ng MMDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/call-center-agent-nanakaw-bike-binigyan-ng-bago-ng-mmda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=call-center-agent-nanakaw-bike-binigyan-ng-bago-ng-mmda)