Ikinalungkot umano ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na umatras sa sana’y debate nila ukol sa mga issue sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Carpio, ang naturang debate sana ang magiging pinakamagandang oportunidad upang malaman ng publiko ang katotohanan tungkol sa issue.

“Well, I was looking forward to a debate with him, because this is the best opportunity to explain the issue with the public,” pahayag ni Carpio.

“I’m sad that he withdrew but that’s his privilege,” dagdag pa niya.

Bukod dito, muling nanindigan si Carpio na walang katotohanan ang paratang ni Duterte na kasama siya sa mga nagutos na umatras ang mga barko ng Philippine Navy sa West Philippine Sea noong administrasyon ni dating pangulo Noynoy Aquino.
“I can prove it, the entire cabinet of President Aquino, will testify that I never participated in any of the discussions, so I can prove it,” sambit ni Carpio.

Kaya naman muling sinabi ni Carpio na dapat ng bumaba sa pwesto ang pangulo, sapagkat sinabi rin ni Duterte na siya ay aalis sa pagka-pangulo sakaling hindi totoo ang mga paratang niya kay Carpio.

The post Carpio nalungkot sa pag-atras ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/carpio-nalungkot-sa-pag-atras-ni-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=carpio-nalungkot-sa-pag-atras-ni-duterte)