Inanunsyo ng may 25 taon nang Catholic school sa Bulacan ang kanilang pagsasara pagkatapos ng School Year 2020-2021.

Sa pahayag, sinabi ng St. Joseph College of Bulacan (SJCB) na lubhang naapektuhan ng COVID-19 ang enrollment ng paaralan.

Nahirapan umano ang eskuwelahan na makahikayat ng mga bagong estudyante.

“Within the said period, the enrollment of the College kept on dwindling as education from private school has been challenged by government policies of K-12 and the free tuition in state colleges and universities, local universities and colleges, and state-run technical and vocational institutions,” saad ng SJCB sa Facebook post.

Noong Nobyembre sinabi ng Catholic Educational Association of the Philippines na nasa sampung Catholic school nationwide ang pansamantalang nagsara dahil sa COVID-19 pandemic.

Kabilang doon ang may 107 taon nang College of the Holy Spirit Manila, na nagdesisyong permanente nang magsara sa 2022.

The post Catholic school sa Bulacan pinadapa ng pandemya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/catholic-school-sa-bulacan-pinadapa-ng-pandemya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=catholic-school-sa-bulacan-pinadapa-ng-pandemya)