Nanawagan si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa religious sector na ipagpatuloy ang pagdarasal sa kagalingan ng bayan mula sa epekto ng pandemya.

“I wholeheartedly believe that the Lord is teaching us Filipinos something during this season,” sabi ni Cayetano sa kanyang talumpati sa Chaplaincy Induction Ceremony noong Lunes.

Ang event ay inorganisa ng Values Formation and Spiritual Transformation Council International, Inc. (VFSTCII), isang organisasyon na kinikilala ng Philippine National Police (PNP) sa paghubog ng mabuting ugali sa kapulisan at kanilang pamilya.

“Hindi naman tayo bibigyan ng Diyos ng problema na hindi natin kayang solusyonan,” sabi pa ni Cayetano.

Umapela rin si Cayetano sa mga nakikinig sa kanya na huwag huwag mawalan ng pananampalataya sa Diyos.

“Ang nangyari lang sa COVID, all na tayo, nag-susuffer, di ba? So, manalangin tayo sa Diyos to open up his gates and to pour out his grace on our nation,” wika pa ng kinatawan ng Taguig-Pateros.

The post Cayetano: Panginoon may gustong ituro sa mga Pinoy ngayong pandemya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cayetano-panginoon-may-gustong-ituro-sa-mga-pinoy-ngayong-pandemya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=cayetano-panginoon-may-gustong-ituro-sa-mga-pinoy-ngayong-pandemya)