Opisyal nang NBA Sixth Man of the Year ang Fil-Am guard na si Jordan Clarkson.

Ginawad ito ng kanyang teammate at Sixth Man finalist ding si Joe Ingles sa kanya sa isang surprise interview sa NBA on TNT.

Bukod kay Ingles, tinalo din ni Clarkson para sa nasabing parangal si NY Knicks guard Derrick Rose.

Nag-average si Clarkson ngayong season ng career high 18.3 points, 4.0 rebounds at 2.4 assists, sunod sa yapak ni Manu Ginobili na dati ring naging Sixth Man of the Year na lampas 18 points, four boards at two assists ang naging average.

Bukod pa dito, si Clarkson din ang ikaapat na bench player na may pinakamaraming tres sa kasaysayan ng NBA. Nakapagbuslo ang Jazz guard ng 203 three-point field goal, 3.0 conversion sa tres kada laro sa regular season.

Dalawang beses ding nagkaroon ng 40-point game si Clarkson ngayong season kontra Philadelphia 76ers at Golden State Warriors.

The post Clarkson nasungkit Sixth Man of the Year! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/clarkson-nasungkit-sixth-man-of-the-year/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=clarkson-nasungkit-sixth-man-of-the-year)