Umabot na sa 59 million ang rehistradong botante para sa 2022 local at national elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Kulang pa rin ito sa target ng Comelec na 60 milyong botante para sa eleksyon sa susunod na taon.

“We are inviting all our prospective voters to register and go to our offices para makapagrehistro sila,” ayon kay Comelec commissioner Antonio Kho Jr.

Maaari pang magparehistro ang mga nais bumoto sa 2022 hanggang Setyembre ngayong taon.

Ayon kay Kho, 61.8 million ang botante noong 2019, ngunit natapyasan ito ng pitong milyon dahil bigong makaboto ang mga ito sa dalawang sunod na eleksyon.

Gumawa na ng paraan ang Comelec para mapadali ang voters registration tilad ng ‘iRehistro’ kung saan pwedeng sumagot sa application form online ngunit kailangan pa rin magtungo sa kanilang mga opisina para sa biometrics.

Nagtayo na rin sila ng satellite registration center sa iba’t ibang barangay.

The post Comelec: 59M Pinoy rehistradong bumoto sa 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/comelec-59m-pinoy-rehistradong-bumoto-sa-2022/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=comelec-59m-pinoy-rehistradong-bumoto-sa-2022)