Dumulog ang Commission on Elections (Comelec) sa mga local government unit na unahin na ang mga election officer sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Comelec commissioner Rowena Guanzon, ito’y para makapagsimula na sila ng pagpaparehistro sa mga barangay.

“Hinihiling po namin sa mga mayor, bakunahan na po ang election assistant and election officer para makapag-register na sa mga barangay,” saad ni Guanzon sa TeleRadyo.

Iginiit din nito na frontliner ding maituturing ang mga poll worker, na haharap sa maraming tao pagsapit ng 2022 national elections.

Binalita rin ni Guanzon na isang provincial supervisor ng Comelec sa Cavite ang nasawi dahil sa COVID-19.

The post Comelec: Mga poll worker bakunahan na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/comelec-mga-poll-worker-bakunahan-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=comelec-mga-poll-worker-bakunahan-na)