Binatikos ng mga netizen si Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon dahil sa paghahanap nito ng binebentang COVID-19 vaccine sa social media.

Sa tweet ni Guanzon noong May 20, sinabi nito na kailangan niya ng bakuna para sa kanyang mga driver at staff.

“Anyone has extra vaccine for sale? I need it for my drivers and staff. Salamat po,” ayon kay Guanzon.


Maraming netizen ang pumuna kay Guanzon dahil bawal pa ang pagbebenta ng bakuna dahil emergency use authorization (EUA) pa lamang ang naibibigay na permit sa mga vaccine sa bansa.

Sa pahayag ng National Task Force Against COVID-19 (NTF), pinaliwanag na wala pang maaaring magbenta ng bakuna at mananatili itong libreng ipamimigay ng gobyerno.

“We would like to remind everyone that anti-COVID vaccines are FREE for all qualified citizens. They are not for sale. Thus, the selling of vaccines or of the priority slots is deemed illegal and punishable by law,” ayon sa NTF.

The post Comelec official naghahanap ng bakuna for sale first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/comelec-official-naghahanap-ng-bakuna-for-sale/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=comelec-official-naghahanap-ng-bakuna-for-sale)