Target ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng “hybrid” presidential debate sa May 2022 polls.

Sabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo, tiyak na magkakaroon ng debate sa pagitan ng mga presidentiable pero ang tanong kung face to face o virtual ba ito gagawin.

“Definitely there will be a presidential debate but then again the question is if it will be face to face or virtual,” lahad ni Casquejo sa virtual press briefing ngayong Biyernes, Mayo 14.

Aniya, ang “hybrid” presidential debate ay face to face pero virtual ang audience.

Isa pa raw opsiyon na kanilang tinitingnan ay virtual ang pagdalo ng mga kandidato o pisikal habang papayagan din ang pakikiisa nang pisikal ng audience pero sa limitadong bilang lamang.

The post Comelec target ‘hybrid’ presidential debate first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/comelec-target-hybrid-presidential-debate/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=comelec-target-hybrid-presidential-debate)