Tuloy na tuloy ang 2022 presidential elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

“We have started our countdown dahil alam natin na matutuloy ang halalan. Walang dahilan para hindi matuloy ang halalan,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez sa panayam ng DZBB.

“We expect that we will hold the elections in the middle of the COVID-19 pandemic, that herd immunity is not yet assured at that point,” aniya pa.

Nakatakdang ganapin ang eleksyon sa May 9, 2022, kung saan ayon kay Jimenez ay nagdagdag na sila ng mga polling precinct para masunod ang social distancing.

Mula 84,000 precinct ay 110,000 na ang hinahanda para sa 2022 polls.

Isa pa sa tinitingnan ay ang pagpapalawig ng absentee voting, kung saan posibleng isama na ang mga persons with disability (PWD) at mga senior citizen.

Hindi naman bukas ang Comelec sa mungkahing mail-in voting dahil hindi pa handa ang postal system sa bansa para sa nasabing paraan ng pagboto.

The post Comelec: Walang makapipigil sa 2022 elections first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/comelec-walang-makapipigil-sa-2022-elections/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=comelec-walang-makapipigil-sa-2022-elections)