Bumaba ng 30% ang average number ng nagpopositibo sa coronavirus kada araw sa Metro Manila o 1,644 sa nakalipas na isang linggo, ayon sa OCTA Research group ngayong Sabado, Mayo 15.

Noong kasagsagan ng pagsirit ng COVID case, nakakapagtala ang Metro Manila ng 5,549 bagong kaso kada araw, mula Marso 29 hanggang Abril 4.

Sa ngayon, ayon pa sa OCTA, 0.57 ang reproduction number sa rehiyon kumpara noong kalagitnaan ng Marso at Abril na 1.54.

Bumagsak din ang COVID-19 positivity rate nito sa 12% mula sa 25% sa panahon ng surge.

The post COVID case kada araw sa Metro Manila bumaba – OCTA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-case-kada-araw-sa-metro-manila-bumaba-octa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-case-kada-araw-sa-metro-manila-bumaba-octa)