Tumaas ng 47% ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Zamboanga City sa loob lamang ng isang linggo, base sa taya ng OCTA research group.

Ayon sa OCTA, 151 ang mga bagong kaso ng virus sa siyudad mula Mayo 5 hanggang Mayo 11.

Nitong linggo lamang ay inilagay na sa modified enhanced community quarantine ang lungsod, na matatapos naman sa Mayo 14.

Bukod sa Zamboanga, nakapagtala rin ang OCTA ng matinding pagtaas ng mga kaso sa Baguio City, Calamba, Laguna at Puerto Princesa City, Palawan.

Sa tala ng research group, 78 ang mga bagong kaso sa Baguio, 73 mula sa Calamba at 60 naman sa Puerto Princesa.

The post COVID cases, taas sa Zamboanga City first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-cases-taas-sa-zamboanga-city/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-cases-taas-sa-zamboanga-city)