Para sa bilyonaryong si Senadora Cynthia Villar, ang pagkapanalo sa halalan ay hindi dahil sa maraming kang pera.

“You know, pag winning candidate ka kahit mahirap ka maraming magbibigay sa’yo ng pera. Pag losing candidate ka kahit mayaman ka hindi ka mananalo. That’s the reality of PH politics. ’Wag n’yong sabihing nasa pera yan,” ayon kay Villar.

Ginawa ng senadora ang pahayag sa patuloy na debate sa Senado tungkol sa panukala na naglalayong itaas ang halaga ng awtorisadong campaign expenses ng mga kandidato at political party.

“Pag winning candidate ka, ang daming magko-contribute. Pag losing candidate ka, maski gastahin mo lahat ng pera mo at mayaman ka hindi ka mananalo,” pagpapatuloy niyo.

“So it doesn’t matter, I think. Just make it reasonable so that we will not cheat,” dagdag pa ni Villar.

Matatandaan na tumakbo noon ang kanyang asawa, ang negosyante at dating Senate President Manny Villar sa pagka-pangulo noong 2010 election subalit natalo kay dating Pangulong Benigno Aquino III.
Una rito, iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na gumawa na lang isang isang rate para lahat ng mga kandidato sa halip na iba’t ibang rate na isinasaad sa panukala.

“Anyway the limitation, if it’s local then the per capita expense will be limited by the number of voters in the locality. So that’s a self-limiting amount,” paliwanag ni Drilon.

“So just have one amount for a campaign expense. And I repeat, whatever is the size of the voting population would determine the total amount that a candidate is allowed to spend,” sambit pa nito.

The post Cynthia Villar: Mayayaman hindi sure win sa eleksyon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cynthia-villar-mayayaman-hindi-sure-win-sa-eleksyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=cynthia-villar-mayayaman-hindi-sure-win-sa-eleksyon)