Aminado si LA Lakers superstar Anthony Davis na masama ang kanyang naging performance sa kanilang unang laro kontra Phoenix Suns sa NBA playoffs first round.

Sa kabuuan ng laban, umiskor lamang ng 13 points at seven rebounds si Davis, nalimitahan sa 5-of-16 shooting sa field, malayo ito sa kanyang average na 21.8 points noong regular season.

Dahil dito’y inako ni Davis ang responsibilidad sa 90-99 loss nila kontra Suns.

“There’s no way we’re winning a game, let alone the series, with the way I played today. It’s on me,” ayon kay AD.

Nang matanong naman si LeBron sa naging pahayag ni Davis, sinabi nito na gusto niya kapag pine-pressure ng big man ang kanyang sarili.

“It’s never on just one guy, but I love when AD puts that pressure on himself,” sambit ni James.

Sa first game, nanguna para sa Phoenix si Devin Booker na tumapos tangan ang 34 points, seven rebounds at eight assists. Kumolekta naman ng 21 points at 16 boards si Deandre Ayton.

Nanguna naman para sa Lakers si LeBron na kumamada ng 18 points, seven boards at 10 assists.

The post Davis inako pagkatalo sa Game 1 vs Suns, LeBron natuwa! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/davis-inako-pagkatalo-sa-game-1-vs-suns-lebron-natuwa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=davis-inako-pagkatalo-sa-game-1-vs-suns-lebron-natuwa)