Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko sa mga pekeng Pfizer COVID-19 vaccine.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat na magbantay ang bawat local government unit hanggang sa mga barangay official para maiwasan ang pekeng bakuna laban sa new coronavirus.

Paalala ni Año, dapat na manggaling ang mga bibilhing bakuna sa mga lisensyadong supplier.

Aniya, sa ngayon ay wala pang napabalitang pekeng Pfizer vaccine na nakapasok sa Pilipinas.

“While there is no information yet on the presence of the fake vaccines in the country, LGUs should exercise increased diligence as these fake vaccines may be dangerous to the health of those who get inoculated,” saad ng kalihim.

Ito’y kasunod ng medical product alert na inilabas ng World Health Organization sa ‘BNT162b2’, na nagkukunwaring gawa ng Pfizer BioNTech.

The post DILG: Pekeng Pfizer bakuna nagkalat! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-pekeng-pfizer-bakuna-nagkalat/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dilg-pekeng-pfizer-bakuna-nagkalat)