Nakatutok ang Department of Health sa 41 na close contact ng dalawang overseas Filipino worker na nagpositibo sa COVID-19 Indian variant.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, tinitingnan ang mga nakatabi ng dalawang OFW sa eroplano patungong Pilipinas.

“The protocols were followed and hopefully, hindi po tayo nagkaroon ng breaches in protocol,” saad ni Vergeire.

Saad ng health official, anim ang tinuturing na close contact ng nagmula sa Oman, 35 naman ang nakasalamuha ng nanggaling sa United Arab Emirates.

Lahad ni Vergeire, sinalang na sa COVID-19 testing ang mga close contact.

Matatandaan na unang inanunsyo ng DOH na nakapasok sa Pilipinas ang B.1.617 variant, at sinigurong kaagad na na-quarantine ang dalawang OFW at gumaling na.

The post DOH binabantayan nakasalamuha ng 2 OFW na tinamaan ng COVID India variant first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-binabantayan-nakasalamuha-ng-2-ofw-na-tinamaan-ng-covid-india-variant/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-binabantayan-nakasalamuha-ng-2-ofw-na-tinamaan-ng-covid-india-variant)