Nagbabala ang Department of Health sa posibilidad ng pagkalat ng COVID-19 dahil sa mga kilos protesta ngayong Mayo 1.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, dapat sundin ng mga raliyista ang health protocol sa kabila ng mass gathering.

“‘Yung pagkukumpol ng mga tao kahit kayo ay nasa open space kayo ay pwede pa rin mag-cause nang pagkahawa-hawaan,” saad ni Vergeire.

“Sana po, kahit may ganitong activities, kailangang mag-practice pa rin tayo ng health protocols natin,” aniya pa.

Nitong Sabado ay nagtipon-tipon ang ilang demonstrador sa Welcome Rotonda sa Quezon City at EspaƱa, Manila sa pag-alala sa Labor Day.

The post DOH: COVID hawaan delikado sa Labor Day rally first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-covid-hawaan-delikado-sa-labor-day-rally/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-covid-hawaan-delikado-sa-labor-day-rally)