Inihayag ng Department of Health (DOH) na mananagot sa anumang posibleng masamang epekto kay Pangulong Rodrigo Duterte ng pagbakuna ng Sinopharm vaccine ang doktor at Presidential Security Group (PSG) Hospital.

Sa virtual press briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na ang mga nag-apply ng compassionate special permit (CSP) ang mananagot para sa adverse events following immunization.

“It means that the hospital or doctor that applied for the CSP will be accountable here,” aniya noong Biyernes, Mayo 7.

Tinurukan ng unang dose ng Sinopharm vaccine ang Pangulo noong Mayo 3 kahit wala pang emergency use authorization (EUA) ang bakuna.

Mayroon lamang CSP ang paggamit ng Sinopharm sa Pangulo na inisyu ng Food and Drug Administration sa PSG Hospital.

Noong Mayo 6 humingi ng paumanhin ang Pangulo sa paggamit ng bakuna na wala pang EUA sa Pilipinas.

The post DOH: Doktor, PSG Hospital mananagot sa bakuna side effect kay Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-doktor-psg-hospital-mananagot-sa-bakuna-side-effect-kay-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-doktor-psg-hospital-mananagot-sa-bakuna-side-effect-kay-duterte)